Mahika
Mahika

Huling hirit, 'di ko alam kung bakit
At pa'no mo napapawi ang kalungkutan ko?
Abot-langit, ligayang dulot mo
Ngiti ang tanging dala sa mga labing ito

'Di ka pa man lang kumikibo, ayos na
May mahika ka pang dala-dala

Sa piling mo
Bumabagal, humihinto ang mundo
Sa piling mo
Ayaw kong mawala, ayaw kong mawala

Huwag sasabihin 'pag 'di ka nasilayan
Damdamin 'di mapakali, natutuliro
Aaminin, tunay na 'to, oh-oh
Nahulog na nang ganito, ano ba'ng mayro'n sa 'yo?

'Di ka pa man lang kumikibo, ayos na
May mahika ka pang dala-dala

Sa piling mo
Bumabagal, humihinto ang mundo
Sa piling mo
Ayaw kong mawala, ayaw kong mawala

Sa piling mo
Bumabagal, humihinto ang mundo
Sa piling mo
Ayaw kong mawala, ayaw kong mawala